This month on the blog, we're looking forward to the RFPA Annual Association meeting in September by highlighting our translations. Today's "translation in focus" is the Tagalog translation of Come, Ye Children. Read on for side-by-side excerpts from chapter 153 of Come and Halikayo, Mga Anak: Kuwento ng Biblia para sa Mga Bata!
__________
Jesus and the Samaritan Woman
At the time that Jesus lived on the earth, the land of Israel was divided into two parts: Judea and Galilee. Between the two parts was a land called Samaria. The people who lived in Samaria were people from all kinds of countries and they had a very mixed-up kind of worship. They worshipped Jehovah-God but they worshipped the idols of other lands at the same time. The Jews in Israel hated the Samaritans and their gods and would not have anything to do with them.
If the Jews had to go from one part of Israel to the other, they usually traveled around Samaria, not through it. Jesus did not do that. He was God and He knew all things. He knew He must travel through Samaria. He had a special reason for going there: He came to bring the good news that He was the Savior to the Samaritans, too.
(153) Si Jesus at ang Babaing Samaritana
Juan 4:1–42
Sa panahong si Jesus ay nagkatawang-tao sa lupa, ang lupain ng Israel ay nahati sa dalawang mga bahagi: Ang Judea at ang Galilea. Sa pagitan ng dalawang mga bahaging ito ay ang lupain na ang tawag ay Samaria. Ang mga tao na naninirahan sa Samaria ay mula sa iba’t ibang bansa at sila ay may magkakahalong mga uri ng pagsamba. Kanilang sinasamba ang Diyos-Jehovah, pero sinasamba rin nila ng sabay ang mga diyos-diyosan ng iba’t ibang mga lupain. Galit ang mga Judyo sa Israel laban sa mga taga-Samaria at sa kanilang mga Diyos at wala silang pakialam na anoman sa mga ito.
Kung magpupunta ang mga Judyo mula sa isang bahaging lupain nito ng Israel patungo sa isa, sila ay dumadaan sa palibot ng Samaria, pero hindi sa loob nito. Hindi ito ginawa ni Jesus. Siya ay Diyos at nalalaman Niya ang lahat ng mga bagay. Alam Niya na Siya ay kailangang maglakbay sa pamamagitan ng Samaria. Siya ay may espesyal na dahilan sa pagpunta rito: Nagtungo Siya dito upang dalhin ang mabuting balita na Siya ang Tagapagligtas maging sa mga taga Samaria.
_____
Jesus and His disciples left the passover feast at Jerusalem and all morning they walked under the hot sun toward the middle of the land of Samaria. It was noon when they came to a place called Sychar. At Sychar was a well of water which Jacob had dug many, many years before. Hot and tired, Jesus sat down at the well, probably on a stone wall which was built all around wells in those days, and rested while His disciples went into the town to buy some food.
As He sat there, He saw a woman of Samaria coming to draw water out of the well; and Jesus said to her, "Give me to drink."
Si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay iniwan na ang pista ng paskuwa sa Jerusalem at buong umaga sila ay naglakad sa ilalim ng mainit na arawan patungo sa gitnang lupain ng Samaria. Tanghali na nang sila ay dumating sa isang lugar na tawag ay Sicar. Sa Sicar ay may isang balon ng tubig na dito si Jacob ay naghukay maraming, maraming taon na ang nagdaan. Dahil sa init at kapaguran, sina Jesus ay naupo sa balon, siguro sa isang pader na bato na itinayo sa palibot ng balon sa panahong iyon, at nagpahinga Siya habang ang Kanyang mga alagad ay nagtungo naman sa bayan upang bumili ng ilang makakain.
Habang nakaupo Siya rito, nakita Niya ang isang babaing Samaritana na dumarating upang kumuha ng tubig mula sa balon; at sinabi sa kanya ni Jesus, “Bigyan mo ako ng inumin.”
_____
Oh, that Samaritan woman was surprised! The Jews hated the Samaritans. They hardly ever said a word to them. She said to Jesus, "How is it that thou, being a Jew, askest drink of me, which am a woman of Samaria?"
It seems as if Jesus didn't answer her question, for He told her if she knew Who was talking to her she would ask Him for living water, and He would give it to her.
But the Samaritan woman did not understand what Jesus was saying. She did not know anything about living water. She kept talking about drawing water from the well that Jacob had dug. She knew that Jacob was one of God's children. Was Jesus greater than Jacob, she wondered?
Nagulat ang babaing Samaritana! Ang mga Judyo kasi ay galit sa mga taga Samaria. Hindi rin sila nakikipag-usap kahit kaunting salita man sa kanila. Sinabi niya kay Jesus, “Paanong nangyari na ikaw na isang Judio, ay humihingi ng maiinom sa akin na isang babaing Samaritana?”
Tila hindi sinagot ni Jesus ang kanyang katanungan, dahil sinabi Niya sa kanya na kung nakikilala lamang niya kung Sino Siya na kanyang kausap niya, tiyak hihingi siya ng tubig ng buhay, at bibigyan Niya siya nito.
Pero hindi naintindihan ng babaing Samaritana kung ano ang sinasabi ni Jesus. Wala siyang alam patungkol sa tubig na buhay. Patuloy siya sa pagsasalita patungkol sa pagkuha ng tubig mula sa balon na hinukay ni Jacob. Alam ng babae na si Jacob ay isa sa mga anak ng Diyos. Inisip niya, si Jesus ba ay mas dakila pa kaysa kay Jacob?
_____
Once more, Jesus did not exactly answer her question. He started to tell her all about the living water which He could give. He told her that whoever drank of the water from the well—just plain, ordinary water—would get thirsty again; but whoever drank of the living water would never be thirsty again. Do you know what Jesus' living water is? It is being friends with God. It is having His love and His mercy. Without that living water we would all die in hell for our sins. But Jesus came to save us from our sins—because He loves us. We cannot drink that living water with our mouths. We drink it inside our hearts.
Jesus was making the Samaritan woman thirsty for that kind of water, His living water. She said, "Sir, give me this water."
Minsan pa, hindi sinagot ni Jesus ang mismong katanungan ng babae. Nagpasimula si Jesus na sabihin sa kanya ang lahat ng patungkol sa tubig ng buhay na maibibigay Niya. Sinabi Niya sa kanya na ang bawat uminom ng tubig na buhat sa balon—na isang pangkaraniwang tubig—ay mauuhaw muli; pero ang sinomang iinom sa tubig ng buhay ay hindi na muling mauuhaw pa. Alam mo ba ang sinasabi ni Jesus na tubig na buhay? Ito ay ang maging kaibigan ng Diyos. Ito ay ang pagkakaroon ng Kanyang pag-ibig at Kanyang kaawaan. Kung wala ang tubig ng buhay na ito tayong lahat ay mamamatay sa impierno dahil sa ating mga kasalanan. Pero dumating si Jesus upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan—dahil minamahal Niya tayo. Hindi tayo makakainom sa tubig na buhay na iyan gamit ang atin lamang mga bibig. Maiinom natin ito mula sa ating mga puso.
Ginagawa ni Jesus na mauhaw ang babaing Samaritana sa klase ng tubig na ito, na Siyang tubig na buhay. Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito.”
_____
Then Jesus asked her to call her husband. She had to tell Jesus, "I have no husband."
Jesus showed her that He was God Who knows everything when He told her that she had lived a very wicked life; for she had already had five husbands, and the man who lived with her now was not really her husband. Jesus knew all her secrets.
The Samaritan woman knew that Jesus was a prophet from God. But she did not know how to worship God. She was a Samaritan and worshipped God in Samaria. The Jews worshipped God in the temple at Jerusalem. Where was the right place? Then Jesus explained to her that the place does not matter, for God is a Spirit, and God's people can worship Him in their hearts, wherever they are.
Pagkatapos nagtanong si Jesus sa kanya na tawagin nito ang kanyang asawa. Sinabi niya kay Jesus, “Wala akong asawa.”
Ipinakita sa kanya ni Jesus na Siya ang Diyos na Siyang nakakaalam sa lahat ng bagay nang sabihin Niya sa kanya na siya ay namumuhay sa masamang pamumuhay; dahil mayroon na siyang limang mga asawa, at ang lalaki na kanyang kasama sa buhay ngayon ay hindi niya talaga asawa. Nalalaman ni Jesus ang lahat niyang mga lihim.
Nalalaman ng babaing Samaritana na si Jesus ay propetang mula sa Diyos. Pero hindi niya alam kung paano sambahin ang Diyos. Siya ay isang Samaritana at sumasamba sila sa Diyos sa Samaria. Ang mga Judyo kasi ay sumasamba sa templo sa Jerusalem. Saan nga ba ang tamang lugar? Pagkatapos ipinaliwanag ni Jesus sa kanya na hindi mahalaga ang lugar, dahil ang Diyos ay Espiritu, at ang bayan ng Diyos ay makasasamba sa Kanya sa kanilang mga puso, saanman sila naroroon.
_____
The Samaritan woman told Jesus one thing more: that Jesus Christ, the Savior, was coming, and He would tell them everything they must know. Don't you think she was surprised and happy when Jesus said to her, "I that speak unto thee am he"?
I think we would have liked that Samaritan woman. She forgot all about her waterpot at the well and ran into the city to find her friends. She was bubbling over with the good news and kept saying, "Come, see a man, which told me all things that ever I did: is not this the Christ?"
Her friends listened to her and followed her out of the city until they came to Jesus. They begged Him to stay with them and He taught them there for two days. Many of them believed, not because of the Samaritan woman, but because of the words of truth which Jesus taught them. Before Jesus left, they said these beautiful words: "for we know that this is indeed the Christ, the Savior of the world."
May sinabi pang isang bagay kay Jesus ang babaing Samaritana: na si Jesu Cristo, ang Tagapagligtas ay darating, at Kanyang sasabihin sa kanila ang lahat ng mga bagay na dapat nilang malaman. Sa palagay mo ba, siya ay nagulat at nasiyahan nang sabihin sa kanya ni Jesus: “Ako nga iyon na kumakausap sa iyo”?
Sa palagay ko magugustuhan natin ang babaing Samaritanang ito. Nakalimutan niya ang lahat niyang tapayan sa balon at tumakbong patungo sa bayan upang hanapin ang kanyang mga kaibigan. Siya ay sabik na sabik na nagsabi ng magandang balita at patuloy na nagsasabi, “Halikayo, tingnan ninyo ang isang tao, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Ito na nga kaya ang Cristo?”
Nakinig ang kanyang mga kaibigan at sumunod sa kanya palabas ng bayan hanggang sa makaharap nila si Jesus. Sila ay nakiusap sa Kanya na manatiling kasama nila at tinuruan Niya sila ng dalawang araw. Marami sa kanila ay sumampalataya, hindi ito dahil sa babaing Samaritana, kundi dahil sa mga pananalita ng katotohanan na itinuro sa kanila ni Jesus. Bago pa umalis si Jesus, sinabi nila ang mga magagandang pananalitang ito: “nalalaman naming ito nga ang Mesiyas, ang Tagapagligtas ng sanlibutan.”
_____
REMEMBER:
Jesus made the water that we drink from a glass to be a picture of the living water, the water of His love and mercy, which He pours into our hearts. Aren't we glad that He makes us thirsty for Him?
TANDAAN:
Ginamit ni Jesus ang tubig na ating iniinom mula sa baso na isang larawan ng tubig na buhay, ang tubig ng Kanyang pag-ibig at kaawaan, na Kanyang ibinubuhos sa ating mga puso. Nagagalak ba tayo sa ginawa Niyang pagka-uhaw natin para sa Kanya?
__________
We celebrate the labor of many hours on the part of author, illustrator, and translator in bringing this and our other wonderful works to life!
Interested in other translations of RFPA works? Check out the website of the Covenant Protestant Reformed Church in Ballymena, Northern Ireland. The site houses links to Reformed material in dozens of languages, including excerpts of many RFPA materials.
Interested in the process of translation? The RFPA maintains contracts with many freelance translators in the Reformed world, but we're always looking to add to that list. Follow this link for the CPRC FAQs on translation.
_________
Come, Ye Children in the original English is available
here